Agresibong pag-angkin ng China sa South China Sea, dahilan ng paglapit ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa 

Isinalin ni Liz Lagniton,  Ni Angeline Tan

Patuloy na inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea bilang bahagi ng teritoryo nito at nanindigan sa hindi pagkilala sa 2016 international arbitration ruling na nagdiing walang “ligal na batayan” sa malawakang pag-angkin nito sa naturang karagatan.

Sa mga nakalipas na buwan, nagkaroon ng maraming insidente ng sagupaan sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at mga barko ng Chinese Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryo na nagdulot ng matinding tensyon sa rehiyon, dahilan upang palakasin pa ng Pilipinas ang ugnayan nito sa mga kaalyadong bansa.

Sa muling pagbabalik ng relasyon ng U.S. at Pilipinas, matapos ang paglayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa U.S. at ang pakikipagkaibigan nito sa China, nakatutok ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalakas ng alyansa sa U.S. at iba pang kaalyado.

Sa katunayan, nang manalo si Marcos sa pagkapangulo ng Pilipinas noong 2022, si U.S. President Joe Biden ang unang lider na tumawag upang batiin siya na ikinatuwa ni Marcos. Sunod-sunod din ang naging pagbisita ni Marcos sa U.S. noon sa loob ng wala pang isang taon, upang talakayin ang mga usaping pang-ekonomiya at Indo-Pacific region kasama si Biden. 

Kapalit nito, ilang matataas na opisyal ng U.S., kabilang sina Vice President Kamala Harris, Secretary of State Antony Blinken, at Secretary of Defense Lloyd Austin ang bumisita sa Pilipinas.

Mapapansin din na madalas banggitin ni Biden ang “ironclad” na pangako ng U.S. sa 1951 Mutual Defense Treaty sa Pilipinas. Ayon sa kanya, “any attack on Philippine aircraft, vessels, or armed forces in the South China Sea would invoke our mutual defense treaty.”

Ayon sa ulat ng ISEAS, inilagay ni Marcos sa “front and center” ang relasyon ng U.S. at Pilipinas sa kanyang foreign policy dahil sa lumalalang pag-uugali ng China sa pinag-aawayang katubigan ng South China Sea na itinuturing na isang “banta sa national security ng Pilipinas.”

Nakasaad sa ulat na: “In the 12 months since Marcos was elected president, Washington and Manila have signaled their commitment to alliance renewal in two important ways: regular high-level exchanges and dialogue; and increased military and security cooperation.”

Dagdag pa ng ulat: “President Marcos highlighted America’s key role in upholding the rules-based international order and freedom of navigation, asserting ‘I cannot see the Philippines in the future without having the United States as a partner. When we are in crisis, we look to the United States.’”

Sa kanyang talumpati sa ika-87 na anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines noong Disyembre 19, 2022, sinabi ni Marcos na “we are now confronted with a different and complex security environment, it brings with it new challenges that require us to adapt.”

Nais ng China na baguhin ang kasalukuyang rules-based world order at higitan ang U.S. bilang dominant global superpower. Sa Asya, bukod sa pagpupumilit na teritoryo nito ang South China Sea, paulit-ulit ding sinasabi ng China na ang Taiwan —isang independent country na hindi kailanman napasailalim sa Communist Party of China—ay isang mahalagang bahagi ng China, at hindi nila isinasantabi ang posibilidad ng paggamit ng puwersa upang sakupin ang Taiwan.

Noong Abril 2023, naglabas ng isang joint statement ang U.S.-Philippines 2+2 Ministerial Dialogue na nagpapahayag ng “support for unimpeded lawful commerce and full respect for international law, including freedom of navigation and overflight, and other lawful uses of the sea.”

Nakasaad din sa pahayag ang “strong objections to the unlawful maritime claims, militarization of reclaimed features, and threatening and provocative activities in the South China Sea, including the recent attempts of the People’s Republic of China (PRC) to disrupt the Philippines’ lawful operations at and around Second Thomas Shoal and the repeated massing of PRC maritime militia vessels at several sites within the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ), including, but not limited to, maritime areas in the vicinity of Iroquois Reef, Sabina Shoal, Second Thomas Shoal, and Whitsun Reef. Such activities also interfere with the livelihoods of fisherfolk and undermine Philippine food security.” 

Matatandaang noong Abril 2024, nagsagawa ng kauna-unahang trilateral summit ang U.S. sa mga lider ng Pilipinas at Japan sa White House. Bukod sa pagpapalakas ng economic ties at technological cooperation, muling pinagtibay ng tatlong bansa ang kanilang pangako sa regional security, sa gitna ng lumalalang agresibong pagkilos ng China.

Ayon sa joint statement mula sa tatlong bansa: “We express our serious concerns about the PRC’s dangerous and aggressive behavior in the South China Sea. We are also concerned by the militarization of reclaimed features and unlawful maritime claims in the South China Sea. We steadfastly oppose the dangerous and coercive use of Coast Guard and maritime militia vessels in the South China Sea, as well as efforts to disrupt other countries’ offshore resource exploitation. 

“We reiterate serious concern over the PRC’s repeated obstruction of Philippine vessels’ exercise of high seas freedom of navigation and the disruption of supply lines to Second Thomas Shoal, which constitute dangerous and destabilizing conduct. The final and legally binding July 12, 2016 Arbitral Tribunal determined that this feature lies within the Philippines’ EEZ, and we call on the PRC to abide by the ruling,” dagdag pa nito.

Nangako ang mga defense chief ng U.S., Australia, Japan, at Pilipinas noong Mayo 2, na pagtitibayin ang kanilang kooperasyon kasabay ng joint meeting nila sa Hawaii sa gitna ng mga alalahanin tungkol sa ikinikilos ng China sa South China Sea. Ginawa ang pagpupulong matapos ang unang joint naval exercises ng apat na bansa sa South China Sea noong Abril.

Samantala, nagsagawa ng ika-39 Balikatan Exercises na itinuturing na pinakamalaking bilateral training exercise sa pagitan ng militar ng Pilipinas at U.S. mula Abril 22 hanggang Mayo 10 ng kasalukuyang taon. 

Ang aktibidad na ito ay direktang sumusuporta sa U.S.-Philippine Mutual Defense Treaty sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kooperasyon at kahandaan ng militar ng dalawang bansa.

Ang Balikatan ay nagmula sa salitang Filipino na “balikat” na ang ibig sabihin ay magkabalikat o “shoulder-to-shoulder” na inilalarawan ang diwa ng taunang ehersisyo at ang malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas at U.S.

Photo credit: iStock/ Andrey Kulagin

The best maritime news and insights delivered to you.

subscribe maritime fairtrade

Here's what you can expect from us:

  • Event offers and discounts
  • News & key insights of the maritime industry
  • Expert analysis and opinions on corruption and more