Ang Nakamamatay Na Problema Ng Philippine Maritime Piracy

Isang matagal nang kumplikadong problema.

Sa malalim na pinag-ugatan, nagpapatuloy ang problema ng pamimirata sa Pilipinas kahit sa gitna ng pandemya at nakita itong patuloy na seryosong alalahanin sa pagsulong.

Nananatiling seryosong alalahanin ang maritime piracy sa Pilipinas sa kabila ng pagsiklab ng coronavirus pandemic noong nakaraang taon, na ang problema ay pinanatiling nakalutang ng matagal nang problema ng bansa sa mga bandidong grupo at lalo pang pinalala ng mabagal na pag-agos ng hustisya sa mga lokal na korte.

Batay sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na nakuha ng Maritime Fairtrade,  hindi bababa sa dalawang insidente na nangyari sa katimugang bahagi ng bansa noong unang quarter ng taon – ang isa ay may kinalaman sa pagnanakaw ng isang barko at ang isa naman ay pagtatangka sa hindi awtorisadong pagsakay sa bulk carrier.

Ang mga ganitong pangyayari ay medyo karaniwan sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon, ayon sa istatistika mula sa coast guard, na may 12 pang katulad na insidente at 14 na pagtatangka ang naitala mula noong 2016. Sa bilang na ito, isang insidente ang nanyari noong 2020.

Ngunit ang sitwasyon ay maaaring mas malala pa kaysa sa sinasabi ng mga lokal na awtoridad sa Pilipinas.

Ayon sa datos mula sa Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships in Asia (RECAAP), isang government-to-government initiative sa mga Asian states na nabuo noong 2006 upang subaybayan at labanan ang maritime crimes, higit sa 50 insidente at hindi bababa sa 11 ang mga nangyaring pagtatangka sa mga karagatan at daungan ng Pilipinas sa parehong panahon sa loob ng  limang taon.

Labintatlo sa mga insidenteng ito ang nangyari noong 2020 lamang, malayo sa tala ng Philippine Coast Guard na isang insidente lamang kada taon, nagmumungkahi na ang mga naturang insidente ay hindi gaanong naiulat sa kapuluan ng Pilipinas.

Mabagal na takbo ng hustisya sa mga korte sa Pilipinas

Sinabi ng abogadong si Ferdinand Nague, presidente ng Maritime Law Association of the Philippines, sa Maritime Fairtrade na karamihan sa mga kaso ng maritime piracy sa Pilipinas ay mga small-time incidents, na ang karamihan ay mga maliliit na nakawan na ginagawa ng maliliit na grupo o kahit na mga solong indibidwal.

Ayon kay Nague, ang mga kasong ito ay karaniwang naaayos sa mga korte kung saan  sinesentensiyahan ang mga kriminal ng pagkakulong ng dalawa hanggang tatlong taon.

Gayunman, para sa malalaking kaso na kinasasangkutan ng mga barko na pag-aari ng mga pangunahing commercial shipping companies, sinabi ng abogado na matagal ang  paglilitis sa krimen, at ang mga kaso ay tumatagal ng ilang taon bago malutas.

“Ang ilang mga kaso ay hindi na umabot sa korte dahil ang mga bandido ay tinutugis pa rin hanggang ngayon,” ani Nague. Dagdag niya, kahit nahuli na ang mga gumawa ng krimen, ang pagbuo ng kaso ay karaniwang tumatagal ng anim na buwan o higit pa.

Naalala niya ang isang kaso kung saan inabot ng sampung taon bago maresolba ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Nakakakuha din ang mga abogadong humahawak sa mga kasong ito ng mga banta sa kanilang buhay mula sa grupo ng mga kriminal na kinabibilangan ng mga salarin, na lalong humahadlang sa pagresolba ng ganitong uri ng mga krimen.

Piracy at ang lalim ng dahilan nito

Sinabi ni Jose Antonio Custodio, isang security expert at isang non-resident fellow sa local think tank, Stratbase ADR Institute, sa Maritime Fairtrade na ang piracy ay isang income-generating activity para sa maraming rebelde at teroristang grupo sa Pilipinas, karamihan sa mga ito ay may mga operasyon sa hindi nababantayang mga baybayin at rehiyong dagat sa katimugang bahagi ng bansa.

“Hindi mo malulutas ang piracy kung hindi mo malulutas ang mga problema sa panloob na seguridad. Kung hindi mo kayang lagyan ng takip ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ang Abu Sayyaf, hindi mo makokontrol ang piracy,” sabi ni Custodio, na ang tinutukoy ay ang dalawang pinakamalaking grupo ng bandido sa bansa na na-tag bilang terorist organizations ng international community. 

Bukod sa piracy, ang parehong grupo – na may mga link sa Islamic State – ay kilala sa mga kidnapping, pambobomba at pagpugot ng ulo sa southern Philippine region ng Mindanao. Sa pagtataya ng Armed Forces ng Pilipinas, may humigit-kumulang 300 armadong mandirigma sa grupong Abu Sayyaf habang ang Bangsamoro Freedom Fighters ay may humigit-kumulang 280 as of mid-2020.

Bukod sa hindi nalutas na mga problema sa panloob na seguridad ng Pilipinas, sinabi ni Custodio na kulang ang Philippine Coast Guard ng mga barko upang magpatrolya sa malalawak na karagatan at maraming isla ng Pilipinas.

Sa naunang panayam ng Maritime Fairtrade, sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo na mayroon silang humigit-kumulang 15 patrol ships na umiikot at nagpapatrolya sa buong baybayin ng bansa na umaabot ng 36,000 kilometro.

Philippine Coast Guard ships conducting drills in the waters off the port of Manila near the capital.
Nagsasagawa ang mga barko ng Philippine Coast Guard ng mga drills sa katubigan sa labas ng daungan ng Maynila malapit sa kabisera.

Sinabi ni Mark Matthew Parco, presidente ng Philippine Liner Shipping Association, sa Maritime Fairtrade na dapat maglaan ng sapat na pondo ang gobyerno sa Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng seguridad upang mapanatili ang kanilang mga operasyon at mapalakas ang kanilang mga kakayahan.

Nasa humigit-kumulang 80 porsiyento ng volume sa Manila North Harbor ang binubuo ng grupo ni Parco at ito ang pinakamalaking grupo ng industriya sa Pilipinas na nakikibahagi sa coastwise trading.

Naalala ni Parco na noong 2005, ang deployment onboard merchant ships ng mga sea marshals, na karaniwang uniformed personnel mula sa military, ay ni-require ng gobyerno dahil sa mga terorista at talamak na banta ng piracy.

Aniya, ang mga pagsasanay ay kalaunang natigil dahil sa iba’t-ibang mga problema, kung saan ang kanilang mga miyembro ay gumagamit na ngayon ng mga serbisyo ng mga private security agencies sa halip na magtalaga ng armado at hindi armadong security upang protektahan ang kanilang mga sasakyang pandagat.

The best maritime news and insights delivered to you.

subscribe maritime fairtrade

Here's what you can expect from us:

  • Event offers and discounts
  • News & key insights of the maritime industry
  • Expert analysis and opinions on corruption and more