Naputol na hinlalaki ng sundalong Pilipino sa harassment ng China sa West Philippine Sea, naibalik na

Naibalik na ang kanang hinlalaki ni Philippine Navy Seaman First Class Jeffrey Facundo matapos ang matagumpay na operasyon na isinagawa noong Nobyembre 4. 

Si Facundo ay nasugatan noong Hunyo 17 sa engkwentro sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at barko ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal, kung saan sinadyang banggain ng CCG ang kanilang sasakyan.

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner Jr. na ang Makati Medical Foundation, katuwang ang mga doktor ng AFP, ang nag-reattach sa naputol na hinlalaki ni Facundo.

“Naibalik na ang kanyang daliri at normal na gumagana,” ani Brawner sa isang press briefing sa Quezon City. Pinuri niya ang kooperasyon sa pagitan ng AFP at Makati Medical Foundation, at binigyaang-diin ang mahalagang papel nito sa pagbawi ni Facundo.

Nasugatan si Facundo nang mabangga ng isang rigid-hull inflatable boat ng CCG ang kanyang sinasakyang barko habang nasa resupply mission. Matapos ang banggaan, gumamit ang mga tauhan ng CCG ng tear gas, malalakas na sirena, at puwersahang sumampa sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Bukod dito, kinuha ng CCG ang pitong disassembled firearms ng mga Pilipinong tropa, na ayon sa ulat ay pinaghinalaan ang grupo na nagdadala ng mga materyales para sa konstruksyon ng BRP Sierra Madre — isang World War II-era ship na sinadyang ipinarada sa Ayungin Shoal noong 1999 bilang simbolo ng soberanya ng Pilipinas sa lugar.

Matapos ang matagumpay na operasyon dalawang buwan na ang nakalipas, nagbalik si Facundo sa kanyang tungkulin sa West Philippine Sea, kung saan siya at ang kanyang grupo ay patuloy na nag-ooperate sa isa sa mga pinaka-pinagtatalunang rehiyon sa mundo.

Ang lokasyong ito, na nasa layong 105 nautical miles kanluran ng Palawan, ay bahagi ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang nasabing insidente noong Hunyo ay nakuhanan ng Philippine military footage kung saan makikita ang mga Chinese personnel na gumamit ng palakol upang sirain ang rubber boat ng mga Pilipino, na mariing kinondena ng Manila bilang “lantarang agresyon.”

Nagdulot ito ng pinsala hindi lamang kay Facundo kundi pati na rin sa pito pang iba pang mga tauhan. Bilang tugon, naglabas ang Pilipinas ng isang note verbale sa China upang bigyang-diin ang tindi ng pinsalang natamo ni Facundo.

Chinese Coast Guard personnel brandished axe and bladed weapons, threatening AFP troops during a humanitarian mission at BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal on June 17. Photos credit: AFP

Pilipinas, muling nanawagan ng US$1 milyon bayad-pinsala

Muling iginiit ng Pilipinas ang paniningil nito sa China ng P60 milyon (US$1 milyon) bilang kabayaran sa danyos at mga nasirang kagamitan sa insidente.

Ayon kay Brawner, sakop ng halaga ang gastos sa dalawang inflatable boats na sinira at ang pitong armas na inagaw ng CCG.

“Hindi pa kasama sa P60 milyon ang pinsalang naidulot sa ating sundalo na nawalan ng daliri,” ani Brawner.

Patuloy na iginigiit ng AFP ang nasabing demanda sa pamamagitan ng diplomatikong proseso, ngunit ayon kay Brawner, “Wala pang tugon mula sa China.”

Nananatiling masalimuot ang tensyon sa South China Sea, isang mahalagang daanan ng higit $3 trilyong kalakalan taun-taon. Bukod sa Pilipinas, ang mga pag-angkin ng China ay sumasaklaw din sa teritoryong inaangkin ng Vietnam, Malaysia, Indonesia, at Brunei.

Noong 2016, nagdesisyon ang isang international arbitration tribunal sa The Hague pabor sa Pilipinas, na nagsasabing walang legal na basehan ang mga pag-angkin ng China sa South China Sea.

Top photo credit: Senator Risa Hontiveros. Philippine Navy Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo.

The best maritime news and insights delivered to you.

subscribe maritime fairtrade

Here's what you can expect from us:

  • Event offers and discounts
  • News & key insights of the maritime industry
  • Expert analysis and opinions on corruption and more